
β
βCauayan City – Natupok ng apoy ang 4 na bahay sa Dacanay Street, Brgy. San Fermin, Cauayan City, ngayong araw ika-20 ng Enero.
β
βSa naging panayam ng IFM News Team kay Fire Marshall Francis Barcellano ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan, na nakatanggap umano ang kanilang opisina ng tawag kaugnay sa naturang sunog.
β
βDagdag pa ni Fire Marshall Barcellano, agad umano silang rumesponde sa lugar at agad na nagsagawa ng fire fighting operation para maapula ang apoy at hindi na ito kumalat pa.
β
βIbinahagi rin nito na nahirapan umano sila sa pagresponde dahil sa masikip ang daan papunta sa mga kabahayan, gawa sa light materials ang mga bahay at dikit, dikit pa.
β
βIsa rin umano sa dahilan upang matagalan ang kanilang pagresponde ay dahil ilang live wires din ang hindi agad napatay ng electric cooperative at nagsanhi ng spark.
β
βAyon naman kay Ginang Jocelyn Fabrao, isa sa mga biktima ng sunog, ibinahagi nitong wala silang naisalbang anumang gamit maliban sa damit na kanilang suot.
β
βNaabo rin umano ang kanyang hinunalugang laptop na gamit ng kanyang anak Maging ang mga mahahalagang dokumento at papeles.
β
βNagpaalala rin si Fire Marshall Barcellano na maging maingat lalo na ngayong papalapit na naman ang summer season.
Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BFP Cauayan upang malaman ang tunay na sanhi at kabuuang halaga ng mga property na nasunog.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










