Sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng patuloy na nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon hanggang sa kasalukuyan.
Bagamat sapat ay nakitaan ng mataas na presyuhan ng bigas sa merkado.
Ayon kay SINAG Executive Director Cainglet na bahagyang may pagbaba sa presyo ngunit hindi inaasahan na bababa pa ito sa P46- P48 dahilan ang kuhaan sa palay.
Ayon naman kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaasahan nito bababa pa ang presyo ng bigas sa ikalawang bahagi ng taon.
Samantala, sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City, nasa P46 ang pinakamababang presyo ng bigas na maaaring mabili ng mga consumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments