Sapat ang suplay ng mga produktong isda sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan, ayon mismo sa mga fish vendors.
Bagamat ramdam ng mga manlalako ang tumal sa bentahan ngayon ng mga isda, maayos daw produksyon ng mga ito hanggang sa matapos ang kasalukuyang taon at kasunod na rin ng pagdiriwang ng holiday season.
Nananatili naman sa presyuhan ang ibang uri ng isda tulad ng salmon na nasa 100 pesos ang kada kilo, galunggong na nasa 160 hanggang 180 ang kada kilo, hasa hasa na nasa 150 per kilo, ang pusit na naglalaro ang presyo sa 160 hanggang 200 pesos at tahong na nasa 80 pesos ang kada kilo bagamat malalaki sa sukat ang nasabing produkto.
Isa pa sa inaasahang tatangakilikin ay ang mga seafoods o mga lamang dagat tulad ng uri ng mga alimango, hipon at iba kasabay ng pagrekomenda ng DOH na isama sa handa ngayon holiday season dahilan na para may panlaban sa mga ma-cholesterol na pagkain.
Samantala, dalawang araw bago ang araw ng Pasko ang inaasahang peak time ng mga consumers na mamili bilang paghahanda sa pagdiriwang sa lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨