𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Inaasahang mas dadami simula ngayon hanggang sa mga susunod na buwan ang suplay ng galunggong sa lalawigan ng Pangasinan.

Bunsod ito ng pagbabago ng mula sa malamig papuntang mainit na sea temperature na nararapat sa produksyon ng naturang mga isda.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa ₱230 ang kada kilo nito partikular sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.

Matatandaan naman na nito lamang umpisa ng buwan ng Pebrero ay natapos na ang closed fishing season sa Palawan dahilan na maaari na muling pumalaot ang mga mangingisda.

Ayon sa pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), asahan umano na bababa ang presyuhan sa kada kilo ng galunggong sa mga susunod ng linggo dahil sa posibleng pagdami ng suplay nito.

Samantala, kabilang sa tinututukan ngayon ng programa ang pagpapalawak ng growing areas upang mas mapalawig pa ang aquaculture industry ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments