𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 – 𝗗𝗔 𝗥𝗙𝗢𝟭

Sapat umano ang suplay ng mga pangunahing produkto sa rehiyon kahit pa maranasan ang epekto ng La Niña ayon sa Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Ayon sa DA RFO1, magandang rin ang panahon ng tag-ulan bilang pagkakataon ng mga magsasaka na makapagtanim muli ng kanilang mga aanihin dahil magagamit nila ang ulan kung sapat at tama ang buhos nito bilang libreng patubig.

Binabantayan pa rin hanggang sa ngayon ng tanggapan ang mga posibleng epekto ng La Niña sa rehiyon.

Ang paalala ngayon ng tanggapan sa mga magsasaka na ayusin ang panahon ng kanilang pagtatanim sa mababang lugar gumamit rin ng binhi na kayang maitanim at mabuhay kahit malunod sa tubig dulot ng sobrang pag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments