𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗦𝗠𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy ang suporta ng Provincial Government ng Pangasinan sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs sa lalawigan tulad ng pagsuporta sa pagdalo sa mga Exhibit Gaya ng Manila Fame 2024 sa Oktubre.

Sinuyod ng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, Department of Trade and Industry, Project Abound at Design Center of the Philippines ang mga MSMEs sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan para sa pagsasagawa ng product development at assessment.

Naghahanda na rin ang mga MSMEs ng kanilang mga produktong ipepresenta sa gaganaping event sa Oktubre.

Naniniwala naman ang pamahalaang panlalawigan na malaki ang maiaambag ng mga MSMEs sa pag-unlad ng probinsya na nagpapakilala sa mga sariling produkto ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments