Aabot sa 1,900 na preschoolers mula sa 46 na Day Care centers ng Dagupan City ang sasailalim sa isasagawang 60-day supplementary Feeding Program.
Layunin ng programa na mabantayan at matutukan ang wastong timbang at nutrisyon ng mga bata sa Dagupan. Mayroong nakatakdang recipes mula sa Department of Social Welfare and Development Office 1 ang inihanda ng mga Child Development Workers at magulang sa dalawang beses na feeding sa isang araw.
Ilan lamang sa mga natanggap ng lungsod para sa implementasyon ng programa ay Pasta, cereal, arina, canned tuna, gatas, prutas, gulay,karne, bigas, biscuit at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments