Wednesday, January 28, 2026

‎𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔; 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢

‎Cauayan City – Ibinahagi ng Red Cross Cauayan Branch na kasalukuyang mababa ang kanilang supply ng dugo ngayong katapusan ng Enero,

‎Ayon sa Red Cross Cauayan, hinihikayat nila ang mga kwalipikadong indibidwal na personal na magtungo sa kanilang opisina upang mag-donate ng dugo.

‎Ipinapaalala rin nila na ang mga donor ay dapat may sapat na pahinga, nasa mabuting kalusugan, at walang nararamdamang ubo o sipon sa araw ng donasyon.

‎Ibinahagi rin ng sangay na noong nakaraang taon ay naging sapat ang kanilang blood supply matapos magsagawa ng bloodletting activity bago ang Pasko at Bagong Taon, kung saan nakalikom sila ng humigit-kumulang 225 bags ng dugo.

‎Gayunman, hindi ito nagtatagal dahil limitado lamang ang panahon ng paggamit ng dugo.

‎Nilinaw ng Red Cross Cauayan na ang dugo ay may shelf life na 35 days lamang at kinakailangang itapon kapag lumampas na sa panahong ito.

‎Bukas ang kanilang opisina para sa mga nais mag-donate mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Facebook Comments