Wednesday, February 4, 2026

𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗛𝗢𝗠𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗝𝗠𝗣

Cauayan City – Kasalukyang nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang suspek sa pagpatay sa isang lalaki sa Sto. Tomas, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Gilton Angelo Arzadon, Deputy Chief of Police ng Sto. Tomas Police Station, sinabi nito na noong ika-dalawamput lima ng Enero ngayong taon ay personal na nagtungo ang kapatid ng biktima sa pulisya matapos nitong matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng kanyang kapatid malapit sa isang palayan sa kanilang lugar.

Kinilala ang biktima na si alyas “Pako” kwarentay tres-ayos na lalaki, habang ang suspek naman ay si alyas “Bob” isang bente syete-anyos, kapwa mga laborer at residente ng Santo Tomas, Isabela.

Nang makarating ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen ay nakita nila ang biktima na nakahandusay at may sugat sa leeg.

Isang saksi naman na kinilalang si “Etay” ang nakakita na magkasama sina “Pako” at “Bob” na nagtungo sa lugar ng insidente.

Ibinahagi rin ni Police Lieutenant Arzadon na nakainom ang biktima at suspek bago mangyari ang krimen.

Sumuko din naman ang suspek sa pulisya at sinampahan ng kasong Homicide kung saan ipinasakamay ang kanyang sa kaso sa korte at dinala sa BJMP.

Patuloy naman umano ang kanilang ginagawang pagroronda sa kanilang bayan at nagsasagawa ng checkpoint para maisawan na ang kaparehong insidente.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments