Nagbigay paalala sa publiko ang tanggapan ng Pangasinan PDRRMO ang ukol sa tamang oras ng pag-inom ng tubig lalo ngayong mainit ang panahon.
Maganda umano kung magkakaroon ng tamang hydration sa pangangatawan para siguradong hindi mabibiktima ng mga heat related illnesses tulad ng heat stroke.
Mas mainam umano kung iinom ng tubig tuwing pagkagising sa umaga, tatlumpung minuto bago kumain, bago maligo, habang kumakain ng pananghalian, tatlumpung minuto bago maghapunan, at bago matulog sa gabi.
Sa regular na pagsunod nito ay makatutulong umani para maiwasan ang dehydration.
Sa ngayon, patuloy pa rin nakararanas ng matataas na heat indices ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments