𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗚𝗘𝗔𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Makatutulong ang tamang pagsusuot at pagkakaroon ng protective gears o garments ng mga motorista upang mabawasan ang bilang ng road accidents na naitatala sa lalawigan.

Ito ay ayon kay Sangguniang Panlalawigan Member Jerry Agerico Rosario.

Aniya, napag-alaman na sa isang pag-aaral na ang paggamit ng mga protective garments ay nagdudulot ng magandang resulta para mabawasan ang aksidente sa kalsada lalo na pagdating sa mga motorcycle bikers.

Dapat rin umano na ito ay matutukan lalo sa nakababahalang bilang ng aksidenteng naitatala sa lalawigan.

Matatandaan na isinusulong ni Agerico ang pagsusuot ng reflectorized vest ng mga motorcycle at tricycle drivers maging ang mga siklista para makatulong na mabawasan ang aksidente sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments