𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗨𝗠𝗜𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

Lumipat na ng bagong lokasyon ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Dagupan City para makapag-accommodate ng maramihan.

Mula sa old building nito sa A. B. Fernandez West ay lumipat ang tanggapan ng LTO District office sa bahagi ng Bonuan Binloc.

Bagamat malayo sa Central business ng lungsod ay mas malawak naman ang naturang building at mas marami ang mabibigyang pansin na mga kliyente.

Aminado naman ang ilang motorista na nalito sila noong una kung saan ang bagong lokasyon ng LTO District Office.

Ayon naman sa LTO District Office, naninibago pa umano ang ilan sa motorista kung saan ang bagong lokasyon pero binigyan kasiguraduhan naman ng tanggapan na bago sila lumipat ay nagkaroon naman ng dissemination of information para sa kaalaman ng mga nakararami.

Samantala, ang dating building naman ay ginagawa na lamang tambakan ng records ng LTO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments