𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗗𝗜𝗦𝗞𝗨𝗕𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

Sinira at sinunog ng awtoridad ang milyon milyong halaga ng natagpuang taniman ng marijuana sa boundary ng Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Ito ay sa bisa ng ikinasang joint eradication operation ng PDEA RO I – ILocos Sur Provincial Office, Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit at ng 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company.

Nasa higit sampung libong mga fully grown marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P2,060,000.00 habang mayroong ding limanlibong marijuana seedlings na nagkakahalaga naman ng P2,064,000.00 ang sabay sabay na sinira.

Mula ang mga ito sa apat plantation site na may kabuuang 7000 Square meters na lawak ng lupain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments