𝗧𝗔𝗣𝗬𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗘𝗟𝗖𝗢 𝟭

GOOD NEWS sa mga customers ng Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO 1).

Magkakaroon ng malakihang kaltas sa singil ng kuryente ngayong July Billing Month.

Sa abiso ng tanggapan bumaba sa P2.7453/kWh ang generation charge ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo na nasa P7.9588/kWh. Ani ng PANELCO 1, Nasa mahigit na P6/kWh ang bawas singil sa mga consumers ng PANELCO 1.

Magiging P6.0021/kWh ang singil ngayong buwan para sa mga non-lifeline residential consumer at P5.9998/kWh naman para sa mga lifeline residential consumer.

Sakop ng PANELCO1 ang mga consumers mula sa Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda, Burgos, Agno, Dasol, Mabini at Infanta.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments