Target ngayon ng mga pamunuan ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at National Irrigation Administration (NIA) na makamit ang abot kayang presyo ng bigas sa kabila ng nararanasang patuloy na pagsirit nito sa merkado.
Alinsunod dito ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng Integrated Rice Supply Chain Development Program na may layong gawing mabilis ang rice supply chain mula sa produksyon papunta sa merkado.
Sa lalawigan ng Pangasinan, sa kasalukuyan ay nananatili pa ring mataas ang presyuhan sa kada kilo ng bigas bagamat asahan na bababa ito ng nasa dalawa hanggang apat na piso simula buwan ng Pebrero dahil umpisa ang anihan season ng mga magsasaka.
Samantala, inaasahan pa ng mga Pangasinense na tatagal ang pagbaba sa presyuhan ng ilan pang mga basic commodities tulad ng itlog, karne at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨