π—§π—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π—”π—šπ—‘π—’, π—šπ—¨π— π—”π—šπ—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π—šπ—˜π—‘π—˜π—₯𝗔𝗧𝗒π—₯ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—‘π—š π—¦π—¨π—£π—Ÿπ—”π—¬ π—‘π—š π—žπ—¨π—₯π—¬π—˜π—‘π—§π—˜ π——π—¨π—Ÿπ—’π—§ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—žπ—₯π—œπ—¦π—§π—œπ—‘π—˜

Inalmahan ng mga residente sa ilang barangay ng Agno ang kawalan pa rin ng suplay ng kuryente matapos na lubhang maapektuhan ang bayan sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ilan sa mga lugar na apektado ng power interruption ay mga barangay ng Dangley, Aloleng at Poblacion na nabigyan ng pansamantalang generator sa mga barangay hall upang matulungan ang mga residente.

Paliwanag naman ng Pangasinan 1 Electric Cooperative, nagtamo ng malawakang pinsala sa mga power lines at imprastraktura ang tanggapan dulot ng Bagyong Kristine.

Pagtitiyak ng tanggapan na nagsasagawa ng kabilaang maintenance at restoration sa mga power lines upang maibalik na ang suplay ng kuryente. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments