Arestado sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1 ang tatlong babae sa Brgy. Lareg-Lareg, Malasiqui, Pangasinan.
Dalawa sa mga suspek ay residente sa bayan at ang isa ay mula sa Quezon City. Aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680, 000 ang nakumpiska sa mga suspek kabilang ang iba pang drug paraphernalias.
Kulong ang mga suspek at naHaharap ang sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments