Huli sa aktong nagbebenta ng ninakaw na bakal sa isang construction shop ang tatlong kalalakihan sa Brgy. Quibaol, Lingayen.
Kabilang sa mga suspek ang isang 20 anyos, 19 anyos at isang menor de edad.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, matagal nang minamaanan ng may-ari ang tatlong suspek dahil sa kanilang kahina-hinalang gawain.
Napag-alaman na dalawang beses na umanong nagbenta ang mga ito sa isang junkshop sa Lingayen ng parehong kagamitan na nagkakahalaga ng P4, 590.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na isang junkshop owner sa San Carlos City ang nabentahan din ng mga suspek ng ninakaw na bakal.
Haharap sa kasong pagnanakaw ang tatlong suspek habang ang isa ay dadalhin sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨