𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng biniling tatlong milyong pentavalent na bakuna laban sa sakit na pertussis, ayon sa Department of Health.

Bagamat pahayag ng pamunuan na posibleng sa Hunyo pa darating ang nasabing vaccine at hihintayin pa kung kailan ipapadala ng UNICEF ang nabiling doses.

Payo pa ng DOH na samantalahin ang mga bakuna sa mga lokal na pamahalaan na may stocks o mayroon pa nito.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa higit isang libo ang naitalang kaso ng Pertussis sa bansa.

Sa pinakahuling tala naman ng Pangasinan PHO, tatlo ang naitalang kaso ng naturang sakit sa lalawigan.

Samantala, ang Pertussis ay isang nakakahawang sakit na nakamamatay lalo na para sa mga sanggol at mga bata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments