Tatlong Persons with Disability o bulag mula sa lungsod ng Dagupan ang nagparehistro sa mismong tanggapan ng COMELEC ngayong araw.
Mabilis at inabot lamang umano sila ng limang minuto upang makumpleto ang proseso ayon sa tanggapan. Dahil dito ay lalong hinikayat ng COMELEC Dagupan ang publiko, partikular sa mga indibidwal na walang physical disabilities na magparehistro sapagkat mabilis naman ang proseso.
Matatandaan na mula ng magsimula ang voter’s registration sa bansa ay patuloy rin na isinagawa ang on-site at satellite registration sa iba’t-ibang establisyemento tulad ng mga malls at maging sa mga paaralan upang mailapit sa kabataan ang pagpaparehistro.
Katunayan, sa bayan ng Sta. Barbara inilatag ng lokal na pamahalaan ang iskedyul ng registration at voter’s education sa iba’t-ibang barangay sa buong buwan ng Mayo.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat at nauna nang ipahayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas ng COMELEC Pangasinan ang kahalagahan ng pagpaparehistro nang mas maaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨