𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa may kahabaan ng provincial road sa Brgy. Magallanes, Tayug.

Hapon nang mangyari ang insidente matapos huminto ang elf truck na minamaneho ni Ryan Lopez at van na minamaneho ni Crixandro Paguidopon upang magbigay daan sa isang sasakyan na magleft turn.

Bigla na lamang umanong bumangga ang 3-seater van na minamaneho ni Prince Olegario sa van na nasa unahan nito dahilan upang bumangga ang van sa elf truck na nasa harapan.

Napinsala ang unahan at hulihang bahagi ng mga sasakyan dahil sa insidente. Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ang eksaktong halaga ng pagpapaayos.

Negatibo naman sa alcoholic breath test ang mga driver nang maganap ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments