𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗘𝗘 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo katao kabilang ang trainee ng Philippine Coast Guard matapos silang masangkot sa aksidente sa bayan ng San Fabian.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Sammy Mira at angkas nitong si Raymund Ducusin habang ang kabanggaan nilang motor ay minamaneho ng Isang Danjeck De Luna, PCG trainee sa La Union at residente ng bayan ng Malasiqui.

Ayon sa imbestigasyon magkasalubong ang motor ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Mabilao passado alas otso ng gabi nang mapunta sa linya ng motor nina Mira ang motor ni de Luna na dahilan ng head on collision.

Dahil dito ay tumilapon ang mga ito at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments