𝗧𝗔𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣, 𝗕𝗙𝗣 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚

Isinailalim sa drug testing ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at barangay tanod ng Lingayen bilang bahagi ng pagsisiguro sa kanilang hanay na wala sa mga it ang gumagamit ng illegal na droga.

Nasa 65 na pulis, 21 kawani ng BFP at 499 na tanod dito ang isinailalim sa testing na isinagawa sa Lingayen Civic Center.

Bahagi ito ng programa ng lokal na Pamahalaan bilang pagsuporta sa kampanya ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa boluntaryong pagdalo rin sa naturang drug testing ay maipapakita rin umano ng mga ito ang kalinisan sa serbisyong publiko at paglilingkod sa bayan.

Ang sinomang magpopositibo sa drug testing ay isasailalim sa confirmatory test. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments