π—§π—˜π—”π—–π—›π—˜π—₯𝗦 π——π—œπ—šπ—‘π—œπ—§π—¬ π—–π—’π—”π—Ÿπ—œπ—§π—œπ—’π—‘, π—œπ— π—œπ—‘π—¨π—‘π—šπ—žπ—”π—›π—œ 𝗑𝗔 π— π—”π—šπ—žπ—”π—₯𝗒𝗒𝗑 π—¦π—œπ—¦π—§π—˜π— π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—œπ—Ÿπ—œ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—›π—œπ—  π—‘π—š π——π—˜π—£π—˜π——

Iminungkahi ng grupong Teachers Dignity Coalition o TDC ang pagkakaroon sana ng pununtunan para sa pagtatalaga ng Cabinet Secretaries ng pangulo lalo na sa pagtatalaga ng kalihim ng Department of Education o DepEd.

Ayon sa panayam ng ifm dagupan kay TDC National Chairperson, Benjo Basas, oras na daw umano upang magkaroon ng panuntunan pagdating sa pagpili ng mga kalihim ng iba’t-ibang ahensya dahil wala umanong nakikitang proseso sa pagpili.

Inaabangan naman ng TDC ang mga proyekto ng bagong DepEd Secretary na si Senator Sonny Angara pagdating sa pagbibigay-pansin sa karapatan at kapakanan ng mga kaguruan tulad ng taas sahod na matagal ng hinihiling ng mga guro.

Inaasahan din ng grupo ang mga hakbamg na gagawin nito ukol sa kakulangan ng school materials at equipment na isa sa aminadong problema ng mga guro at mag-aaral. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments