π—§π—˜π—”π—  𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗑𝗔 π—‘π—”π—šπ—ͺπ—”π—šπ—œ 𝗦𝗔 π—π—”π—¬π—–π—˜π—˜ 𝗖𝗨𝗣, π—šπ—œπ—‘π—”π—ͺ𝗔π—₯𝗔𝗑 𝗑𝗔 π—‘π—š π—£πŸ­ π— π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—œπ—’π—‘

CAUAYAN CITY – Naipasakamay na sa mga kampeon ang mahigit isang milyong piso na premyo sa kakatapos na 1st Mayor Jaycee Dy Cup Inter Town Basketball Tournament.

Nakuha ng Lungsod ng Cauayan ang kampeonato sa first class category at nakakuha ng isang milyong piso habang 1st runner up ang bayan ng San Mateo na nakakuha ng anim na daang libong piso at 2nd runner up ang bayan ng Tumauini na nag-uwi ng tatlong daang libong piso.

Sa 2nd Class Category naman ay itinanghal na kampeon ang bayan ng Aurora habang 1st runner up naman ang bayan ng Mallig at 2nd runner up ang bayan ng Reina Mercedes.
Sa kabuuan, dalawampu’t dalawang bayan ang sumali sa nasabing liga na kinabibilangan ng anim na bayan sa 1st class category habang labing anim naman sa 2nd class category.


Facebook Comments