Kaisa na rin ang hanay ng Land Transportation Office o LTO Regional Office 1 sa pagtataguyod ng mas pinaigting na disaster response at preparedness sa gitna ng kinakaharap na mga kalamidad.
Inilunsad ng ahensya ang kauna-unahang Disaster Response Team nito kasama ang Regional Law Enforcement Services (RLES) na katuwang sa pagpapalawig ng disaster management at response sa Region 1.
Inihayag ni Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez ang kahalagahan ng mga kawani mula sa naturang ahensya hindi lamang sa usapin ng kanilang trabaho sa loob ng opisina maging kaagapay din sa panahon ng kalamidad.
Aniya, nakatuon ang LTO Region 1 sa layuning matiyak ang kaligtasan at makapagbigay din ng agarang tulong sa mga residente laban sa sakuna.
Inaasahan na ang bagong binuong workforce ay aalalay sa mga National at Local DRRMOs sa pagsasagawa ng mga kinakailangang paghahanda kaugnay sa naturang usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨