𝗧𝗘𝗘𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗚𝗡𝗔𝗡𝗖𝗬 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Tinawag na social emergency ni Pangasinan 4th District Board Member Jerry Rosario ang teenage pregnancy.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal sinabi nito na marami ang maapektuhan sakaling naganap ang isang teenage pregnancy.

Kasama na rito ang epekto sa pag-aaral at kinabukasan ng bata maging sa paligid ng bata na mabubuntis.

Ayon kay BM Rosario nagkaroon na nag pagdinig tungkol dito noon nakalipas na taon ang Sangguniang Panlalawigan at kung patuloy ang pagtaas nito ay may tiyansa na ipatawag ang mga concerned agencies.

Matatandaan na napaulat sa Lalawigan ng Pangasinan ang pagkakaroon ng teenage pregnancy din kung saan ay halos isa ang naitatalang teenage pregnancy sa isang araw sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments