Monday, February 16, 2026

β€Žπ—§π—˜π—¦π——π—” 𝗔𝗧 π—Ÿπ—šπ—¨ 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗔 𝗠𝗔π—₯π—œπ—”, π—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—”π—‘π—š π—£π—’π—§π—§π—˜π—₯𝗬 π—œπ—‘π——π—¨π—¦π—§π—₯𝗬

β€Ž
β€ŽCauayan City – Pinagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela at ng pamahalaang bayan ng Santa Maria, Isabela ang pagpapalakas ng kasanayan at kabuhayan ng lokal na pottery community.
β€Ž
β€ŽAyon kay TESDA Provincial Director Vilma Cabrera, kinilala ang pottery bilang prayoridad na kasanayan dahil sa potensyal nito sa paglikha ng trabaho at pagpapasigla ng ekonomiya sa Santa Maria.
β€Ž
β€ŽKasama sa plano ang pagbuo ng Competency Standards upang masiguro ang kalidad at pagsunod sa pamantayan ng industriya.
β€Ž
β€ŽBinanggit ni Cabrera na mahalaga ang malapit na koordinasyon sa LGU upang maihatid ang epektibo at komunidad-based na pagsasanay, habang handa ang TESDA na magbigay ng teknikal na tulong sa pag-develop ng kakayahan ng mga artisan.
β€Ž
β€ŽSuportado naman ni Mayor Michael Abraham G. Pagauitan ang pagtatayo ng LGU-run Training and Assessment Center na magiging sentro ng pagsasanay, assessment, at certification para sa mga local artisans.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments