Inilunsad sa bayan ng Bayambang ang The Big Catch Up o ang mas pina-igting na pagbabakuna sa mga bata.
Target na maabot sa paglulunsad nito ang 95% na fully immunized children sa rehiyon.
Sa ilalim ng aktibidad, nabakunahan ng BCG, Hepatitis B, bivalent Oral Polio Vaccine, PCV, IPV at MMR ang mga sanggol edad 0-23 mos kabilang ang mga buntis at senior citizens na nakatanggap ng Tetanus Diphtheria at Flu vaccine sa bayan.
Patuloy na hinihikayat ng tanggapan ang mga magulang na ipabakuna ang mga anak at tinitiyak na ligtas ang mga bakuna na kanilang itinuturok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments