Nitong nakaraang Martes, nakita ng team CURMA, isang Environment Conservation Organization sa shoreline sa San Juan, La Union ang isang sea turtle na nais na sanang mangitlog. Subalit hindi nito nagawa dahil hindi ito nakahanap ng tamang pwesto para sana sa kanyang mga itlog. Kakaiba ang pawikan na ito dahil tatlo lamang ang legs o flippers nito. Dalawa sa harap at isa sa likuran. Hindi biro ang kapansanan na ito ng pawikan dahil ang mismong back flippers nila ang ginagamit nilang panghukay ng butas kung saan sana sila mangingitlog.
Hindi man nakahanap ng pwesto at bumalik muli sa karagatan, positibo naman ang mga taga Curma na babalik ito upang ituloy ang naudlot na pangitngitlog.
Samantala, sa bayan naman ng Binalonan, isang Serpent Eagle ang nai- turn over sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Ang nasabing Serpent Eagle ay karaniwang nakikita sa mga bukid at kabundukan. Itinuturing narin itong Endemic. Sa ngayon, nailipat na ito sa pangangalaga ng DENR. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments