𝗧𝗢𝗣 𝟳 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘

Cauayan City – Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaking nahaharap sa patong-patong na kaso kabilang na ang tatlong bilang ng kasong panggagahasa.

Kinilala ang suspek na si alyas “Amboy”, trenta’y sais anyos, residente ng Brgy. Baculod, Ilagan City, Isabela, at itinuturing bilang ika-pito sa listahan ng Most Wanted Person sa buong Rehiyon Dos.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o ang The Anti-Rape Law of 1997, tatlong bilang ng Statutory Rape, at dalawang bilang ng kasong paglabag RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG Isabela ang suspek para sa dokyumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments