𝗧𝗢𝗣 𝟴 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗢𝗦𝗢

Cauayan City РHindi na makakapagtago pa sa kamay ng batas ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ikatlong araw ng Hunyo sa Brgy. Mu̱oz West, Roxas, Isabela.

Sa bisa ng mandamyento de aresto, naaresto ang suspek na si Alyas “Kalo”, itinuturing bilang ika-walo sa Top Most Wanted Person sa buong lalawigan ng Isabela na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong rape.

Wala namang inirekomendang halaga ng piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Kalo”.


Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Roxas Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments