Cauayan City – Sa kabila ng matinding init ng panahon na nararanasan, matumal pa rin ang kinikita ng mga nagbebenta ng tradisyonal na bloke-blokeng yelo sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Lucia Jacob Feliciano, hindi na katulad ng dati ang bilang ng mga bumibili at kinikita nila ngayon.
Aniya, isa sa mga dahilan kung bakit mangilan-ngilan na lamang ang bilang ng kanilang costumers ay dahil sa dami ng kanilang kakumpitensya sa pagbebenta ng yelo.
Sinabi nito na bagama’t mas mura ang bloke ng yelo na kanilang ibinebenta mas tinatangkilik na ng karamihan ngayon ang mga kilo-kilong ice cubes na ibinebenta sa mga convinience stores.
Sa ngayon, dumarami at nakakabawi na lamang umano sila ng kita kapag nagkakaroon ng brown out sa lungsod ng Cauayan.