𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗔𝗧 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Basista ang road rerouting plan at schedule ng pagbisita sa mga sementeryo sa bayan upang maging maayos ang pagdaraos ng Undas.

Sa inilabas na abiso ng kapulisan, ipatutupad ang ‘No Entry’ sa lahat ng sasakyan sa kahabaan ng Burgos St. upang maiwasan ang masikip na daan ng mga bumisita ganoon din sa mga possible entry sa mga independent at memorial cemeteries.

Ipatutupad din ang ‘One Way’ flow sa ilang lansangan partikular sa Zamora St. na magsisilbing exit point sa lahat ng sasakyan.

Samantala, iiral naman ang visiting hours mula alas sais ng umaga hanggang alas syete ng gabi mula November 1 hanggang November 2.

Kaugnay nito, nagsimula nang maglagay ng angkop na road signages ang kapulisan upang maiwasang malito ang publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments