Naniniwala ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways Ilocos Region sa layunin ng nakumpletong access road patungong Señor Tesoro Shrine ay makabubuti sa overall travel experience ng mga motorista at pilgrim.
Pinalawak ang noo’y makitid na kalsada at kulang sa maintenance. Nilagyan din ng DPWH ng reinforced concrete pipe culvert o RCPC drainage na nakikitang isa pang solusyon ng tanggapan sa matagal nang suliranin ng mga residente sa transportasyon.
Layunin pa ng bagong access road na mapaikli ang travel time, maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko at gawing ligtas ang kakalsadahan para sa mga motorista ganun din sa mga pedestrian.
May sukat na 1.5428 kilometers at matatagpuan sa Brgy. San Vicente sa nasabing bayan, nataon sa pagdiriwang ng kapistahan ng patron ang pagbubukas ng access road sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨