Wednesday, February 4, 2026

𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜ 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—›π—’π— π—œπ—–π—œπ——π—˜ 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗫𝗔𝗦, 𝗑𝗔𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—’!

Cauayan City – Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ng Isabela ang isang tricycle driver na sangkot sa kasong homicide matapos isilbi ang isang warrant of arrest kahapon, Pebrero 2, 2026 sa Brgy. 176, Phase 5, Langit Road, Caloocan City.

β€ŽIsinagawa ang operasyon ng Mallig Police Station katuwang ang Police Intelligence Unit ng Isabela PPO, Regional Mobile Unit 2, at 201st Maneuver Company ng RMFB2.

β€ŽAng naarestong suspek ay kinilalang alyas β€œNoli,” 33 taong gulang, binata, at residente ng Caloocan City.

β€ŽAng pag-aresto ay alinsunod sa mandamiento de aresto na inilabas noong Agosto 4, 2025 ng Regional Trial Court Branch 23 sa Roxas, Isabela, na may inirekomendang piyansa na β‚±100,000.

β€ŽAyon kay PCOL Manuel B. Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela PPO, ang matagumpay na operasyon ay bunga ng masusing intelligence work at maayos na koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, at patunay ng patuloy na pagsisikap ng PNP na papanagutin ang mga lumalabag sa batas sa ilalim ng adbokasiya ng Bagong PNP.

β€ŽSource: PNP ISABELA
β€Ž β€Ž—————————————

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments