
Cauayan City – Sugatan ang isang tricycle driver matapos masangkot sa banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng national road sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela nitong ika 3 ng Pebrero.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan Component City Police Station, sangkot sa aksidente ang tricycle na minamaneho ni alyas βCharlie,β isang puting Toyota Fortuner na minamaneho ni alyas βRomy,β at isang Toyota Innova na minamaneho ni alyas βDan.β
Ayon sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng Fortuner ang hilagang direksyon patungong Reina Mercedes, habang nakahinto sa fast lane ang Innova dahil sa moderate traffic flow. Habang nakahinto ang Innova, aksidenteng bumangga ang tricycle sa kaliwang likurang bahagi nito.
Nawalan ng kontrol ang tricycle at sumadsad sa kabilang linya, dahilan upang mabangga ang paparating na SUV.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng tricycle at agad na isinugod sa Isabela United Doctors Medical Center. Hindi naman nasugatan ang mga driver ng Fortuner at Innova.
Nagtamo ng mga pinsala ang tatlong sasakyan, ngunit hindi pa natutukoy ang halaga.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi at kung sino ang may pananagutan sa aksidente.
β——————————————
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










