𝗧π—₯π—œπ—£π—Ÿπ—˜π—§π—¦, π—œπ—¦π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—›π—’π—¦π—£π—œπ—§π—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—₯π—’π—¦π—”π—Ÿπ—˜π—¦, π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Tatlong malulusog na babaeng sanggol ang isinilang sa Condrado F. Estrella Regional Medical Center and Trauma Center (CFERMTC) sa Rosales, Pangasinan noong November 7.

 

Maituturing na isang biyaya sa mag-asawang Emil at Regina na residente ng San Quintin na mailabas sa pamamagitan ng cesarean section delivery ang tatlong sanggol.

 

Ipinanganak ang unang sanggol sa ganap ng 12:44 na sinundan ng pangalawa at pangatlo 12:47 at 12:48 ng tanghali.

 

Pinangalanan ng mag-asawa ang mga ito na si Ellaine, Elise at Eliana.

 

Sila ang kauna-unahang well triplets na ipinanganak sa naturang hospital. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments