𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗜𝗡𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗙𝗡𝗥, 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗜𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧

Muling ipinakilala ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Regional Office 1 sa publiko ang binuo nilang Tubig Talino kasabay ng kaliwa’t- kanang paalala ng Department of Health ng palagiang pag-inom ng tubig ngayong tag-init.

Ayon sa tanggapan, ang Tubig Talino ay mayaman sa iodine at isang solusyon upang labanan ang suliranin sa iodine deficiency ng bansa.

Mula sa purified o ordinaryong potable water hinaluan ito ng Water Plus 2 at nagreresulta sa mas magandang kalusugan at iodine intake ng bawat indibidwal.

Dagdag ng DOST-FNR, nakakatalino ang Tubig Talino sapagkat ang iodine ay nakakapagpatalas ng isipan. Ligtas din itong inumin sapagkat ito ay malinis.

Sa katunayan, ang tubig talino ay ginagamit sa iba’t-ibang health and community projects ng DOST. Maaari din itong gamitin sa nutrition intervention programs at disaster relief packs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments