π—§π—¨π—•π—œπ—š π—§π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—’ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—¬π—˜π—žπ—§π—’ π—‘π—š 𝗗𝗒𝗦𝗧-𝗙𝗑π—₯, π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗔𝗔π—₯π—œπ—‘π—š π—œπ—‘π—¨π— π—œπ—‘ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—§π—”π—š-π—œπ—‘π—œπ—§

Muling ipinakilala ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Regional Office 1 sa publiko ang binuo nilang Tubig Talino kasabay ng kaliwa’t- kanang paalala ng Department of Health ng palagiang pag-inom ng tubig ngayong tag-init.

Ayon sa tanggapan, ang Tubig Talino ay mayaman sa iodine at isang solusyon upang labanan ang suliranin sa iodine deficiency ng bansa.

Mula sa purified o ordinaryong potable water hinaluan ito ng Water Plus 2 at nagreresulta sa mas magandang kalusugan at iodine intake ng bawat indibidwal.

Dagdag ng DOST-FNR, nakakatalino ang Tubig Talino sapagkat ang iodine ay nakakapagpatalas ng isipan. Ligtas din itong inumin sapagkat ito ay malinis.

Sa katunayan, ang tubig talino ay ginagamit sa iba’t-ibang health and community projects ng DOST. Maaari din itong gamitin sa nutrition intervention programs at disaster relief packs. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments