Ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang isang weightlifter na sumabak sa katatapos na 2024 Paris Olympics.
Kinilala ang kagalingan ni Nicola Velasco Lagatao na tubong Barangay Golden sa bayan dahil sa pagiging 11th placer nito.
Ito umano ang kauna-unahang weightlifting Olympics ni Lagatao na inirepresenta ang bansang Guam.
Bagamat hindi bansang Pilipinas ang kaniyang inirepresinta sa nasabing Olympic competition ipinagmamalaki ang kagalingan nito ng lokal na pamahalaan.
Hawak na ngayon ni Lagatao ang rekord sa Guam sa weightlifting sa kategoryang 45 kg at 49 kg.
Si Lagatao ay nanalo rin sa Australia Oceania bilang Weightlifter Champion noong 2022 at 2023. |𝙞𝙁𝙈𝙂𝙤𝙤𝙙𝙉𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments