π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—šπ—”π— π—’π—§, π—‘π—”π—¦π—”π—žπ—’π—§π—˜

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok 5 Cabulay, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jommel”, 44-anyos, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Bago pa man maaresto ang suspek ay nakatanggap ng ulat ang mga otoridad hinggil sa lalaking nagbebenta ng iligal na droga sa lungsod kung saan agad itong bineripika at ng magpositibo ay agad na nagsagawa ng drug buy-bust operation.


Narekober mula sa suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2,040.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Santiago City Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong palabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments