Ibinahagi ni Provincial Vice Governor Mark Lambino na nakaantabay ang Sangguniang Panlalawigan sa mga naapektuhang magsasaka sa pag iral pa ng El Niño sa Pangasinan, lalo na at kabilang ang lalawigan na apektado ng El Niño sa inilabas na pinakahuling bulletin ng Department of Agriculture.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, binigyang payo niya ang mga Pangasinense sa aasahang pag init pa ng panahon kabilang dito ang mga tulong at hakbang para sa mga magsasakang Pangasinense.
Kaugnay nito, ilang kwalipikadong grupo ng mga magsasaka sa Pangasinan ang nakatakdang tumanggap ng farm implements, gusali, side car o garong kabilang ang motor. Ito ay proyekto na inisyatibo ng Philippine Rural Development Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments