𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗚𝗔𝗬

Cauayan City – Nagpaabot ng tulong ang Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya ng tulong pinansyal ngayong araw ika-8 ng Pebrero.
Personal na dumalo si Provincial Governor Atty. Jose “Jing” V. Gambito upang ipaabot ang tulong.
Ang mga benepisyaryo ng naturang Financial aid ay ang mga residente ng lalawigan na lubhang naapektuhan ng nakaraang bagyong Egay.

Umabot sa 1,856 ang kabuoang bilang ng mga benepisyaryo mula sa naturang lalawigan.
Bawat isa sa kanila ang nakatanggap ng P5,000.00 bilang tulong sa pinsala na idinulot sa kanila ng bagyong Egay.
Facebook Comments