Inihayag ng Dagupan City Social Welfare and Development Office ang pagkakaroon ng suplay ng mga ipapamahaging food packs sakaling magkaroon ng mga residenteng ililikas sa evacuation centers bunsod pa rin ng nararanasang epekto ng Bagyong Carina.
Ayon sa tanggapan, mayroon nang nakahanda sa kanilang opisina at inihahanda na rin ang pagdating pa ng bagong suplay ng mga food at non-food items.
Nakikipag-ugnayan ang CSWD sa mga barangay council ng Dagupan City upang malaman ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong.
Samantala, sa isinagawang command conference ng LGU, inabisuhan ang partikular na ang mga Punong Barangay na umantabay sa mga sitwasyon ng nasasakupang mga residente habang patuloy pa ring nararanasan ang pagbaha sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨