𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinag-iigting pa sa lungsod ng Dagupan ang patuloy na pag-arangkada ng mga social services program tulad ng pogramang AICS, TUPAD at iba partikular para sa mga indigent Dagupeños.

Kaugnay nito ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations kung saan naging benepisyaryo ang nasa 188 na mga indigent Dagupeños.

Alinsunod ang nasabing programa sa pagtataguyod ng unang layunin sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG) na “No Poverty” o mawakasan ang suliraning kahirapan.

Samantala, kaisa rin ang LGU Dagupan sa mga programang nagsusulong ng kapakanang pangkalusugan, pang-edukasyon, maging ang pagpapanatili ng maayos na kapaligiran at kabahayan lalong lalo na sa mga apektado ng problemang pagbaha at mga kabilang sa coastal areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments