𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Tuloy-tuloy na sa pagbiyahe ang mga bus terminal sa Dagupan City para sa mga pasahero nitong nais nang magbakasyon muna para sa pasko at bagong taon.

Kadalasan ng mga pasahero ngayon ay mga estudyante kung saan nagdeklara na ang mga paaralan ng christmas break.

Madalas na biyahe ng mga ito ay papunta sa Baguio City kung saan inidemand ngayong pasyalan.

Ang iba naman ay uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para makasama ang iba pang mga kaanak at makabisitang muli.

May mga nagpa-early book naman na ng kanilang mga ticket para iwas siksikan sa araw ng pasko at araw bago ang bagong taon nang sa gayon ay tuloy ang byahe at walang aberya.

Samantala, ang mga bus terminal naman ay siniguro na maayos at walang sira ang mga bus na gagamitin para iwas sa aberya sa gitna ng kalsada o hindi kaya ay disgrasya habang bumabiyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments