Tinututukan ngayon ng Department of Health R1 kung paano mababawasan ang tumataas na kaso ng road traffic incidents sa rehiyon uno ngayon.
Sa huling tala noong January 1 hanggang November 7, 2023, nasa kabuuang 236 na ang recorded vehicular accidents sa rehiyon at 43 ang naitalang patay dahil rito.
Ibig sabihin tumaas ito ng labing isang porsyento kung ikukupara sa tala noong taong kaya naman lalong tututukan ng ahensya ang mga ganitong klaseng aksidente partikular na sa mga pedestrians at mga riders.
Ayon kay DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco, ang pagsasagawa ng mga road traffic campaigns ay nakikitaan nila ng magandang maidudulot at layunin para maiwasan ang kamatayan at disgrasya ng mga motorist at pedestrians nang sa gayon din ay magkaroon ng mas ligtas na kakalsadahan.
Katuwang rin ang kapulisan sa Highway Patrol Group at nakipagtulungan rin sa tanggapan ng Land Transportation Office para mag monitor at palakasin pa ang road safety measures nang sa gayon ay maging ligtas ang mga kakalsadahan para s mga motorist at pedestrians.
Samantala, sa May 23-24, 2024, pamumunuan ng naturang ahensya ang nakatakda nitong isagawang aktibidad na ‘Biyaheng Kalusugan for Road Safety’ sa La Union kung saan ibabahagi rito at tatalakayin ang ukol sa mga road safety concerns. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨