𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Binigyang tuon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Bayambang ang pagbibigay kaalaman at suporta sa mga tungkulin at gampanin ng mga Punong Barangay sa kanilang bayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng orientation activity.

Sa naturang pagpupulong na pinangunahan ng MDRRMO kasama ang mga punong barangay sa bawat barangay sa bayan, tinalakaya ang mga paksang dapat lamang na malaman at magampanan ng mga ito sa loob ng kani-kanilang mga komunidad.

Isa sa tinalakay sa pagpupulong ay ang legal na basehan ng DRRM, at mga kakakibat na tungkulin nito at obligasyon, alokasyon at paggamit ng LDRRM Fund, standard operating procedure sa DRRM at pati na rin ang update ukol sa kani-kanilang 5-Year Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan.

Layunin ng oryentasyon na ito ay para mabigyan ang mga punong barangay ng sapat na kaalaman sa kahalagahan ng at mga functions ng legal basis ng DRRM, LDRRM fund allocation and utilization, at malaman ang tamang standard operating procedures sa DRRM. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments