Isinagawa ang payout ng nasa 197 na tricycle drivers sa lungsod ng Dagupan na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Tumanggap ang bawat isa ng tig-P4, 750 mula sa kanilang pakikipabahagi at pagtulong sa pagtatanim ng mga coconut tree sa naganap na tree planting activity sa Tondaligan Beach.
Pinangasiwaan ng DOLE Central Pangasinan Field Office Public Employment Services Office (PESO) Dagupan ang naturang payout.
Bukod sa mga TODA members, kabilang rin sa mga benepisyaryo ng TUPAD program ay mga nasa sektor ng pangingisda at pagsasaka at tindera sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments